Too much optimism is denial of reality.

Sunday, October 9, 2011

Growing Old Together

Ang kasunod ng Bumpy Ride.

Growing Old Together

            Pagbaba ko ng tren pagkatapos ng bumpy ride eh sumakay ako ng traysikel. Bumaba ako sa Mcdo para maglakad sa harap ng Emall. Dun kasi ako magaantay ng padyak para sakyan pauwi. Habang naglalakad ako, may nakita akong dalawang matanda ng magka-holding hands. Napatigil ako. Literal na huminto ako para titigan sila. Buti na lang nakatalikod sila kundi baka napagkamalan na akong may sira.

            Napatigil ako hindi sa dahil nandidiri ako. Natigilan ako kasi kahit parati ko nang nababasa na sweet makakita ng mga matatandang naghoholding hands at sweet pa rin sa ngayon, iba pala pag ikaw na talaga ang nakakita. Nagovertake ako sa kanila para lang makita sila. Hindi naman silang ganun ka-sweet na parang nagyayakapan na. Kung tutuosin, parang magkadikit lang talaga ang mga kamay nila, magkahawak lang ng mahinay. Pero kung titingnan mo ang mga mukha nila, satisfied sila. Makikita mo na masaya silang dalawa at kontento sila. Napuno ako bigla ng inggit. Tatanda rin kaya ako ng may kasama na ganun? Hindi naman kasi madali maghanap ng taong makakasama at ngayon alam ko naman na hindi pa ako handa at hindi pa rin naman ako naghahanap ng ganun. Ngunit ang problema, iniisip ko pa lang ang posibilidad na tumanda kasama ang isang tao, natatakot na ako.
            Panu mo ba malalaman kung siya na talaga? Panu ka makakahanap ng isang tao na hindi ka bibitawan hanggang sa huli? Panu ka makakasiguro na hindi ka lang niya lolokohin? Ang daming katanungan at kahit isa wala akong maisagot. Siguro swerte lang sila kasi nahanap nila ang isa’t isa. Parang ang mama at papa ko. Swerte kasi mahal nila ang isa’t isa. Pero nung naisip ko yun, ang biglang pumasok sa isip ko ay ang sitwasyon ni mama. Oo nga’t mahal niya si papa at mahal siya nito pero iniwan rin naman siya sa hindi inaasahang sitwasyon at sa hindi malabanan na kalaban- Aneurysm. Ayoko kasi na magmahal ng katulad ng mama ko at maiiwan rin naman sa huli. Bakit pa kailangan maghanap ng makakasama habang buhay na kung at the end of the day, kung mamamatay ka ay mag-isa ka rin naman lang at kung mamamatay yun mahal mo ay parang namatay ka na rin. Dobleng kamatayan lang ang mararanasan at ayaw kong maranasan yun.  
            Bakit ganun? Bakit kailangan na magkaroon ng pwedeng makasama pero mawawala rin? Bakit ang saya-saya nung dalawang matanda na nakita ko kahit alam nila na palapit na ang oras na maghihiwalay rin naman sila? Hindi ko maintindihan. At kahit alam ko na may kasagutan ako sa mga tanong ko, hindi ko kayang sabihin. Hindi rin naman kasi ako naniniwala sa mga sagot na nasa isip ko. Kaya anu pa ba ang sense kung sasagot ako?

The Bumpy Ride

Susubukan kong magtagalog for the sake of speaking tagalog na rin and para sa aking kaibigan na si Istrayps. Ingles na rin naman ako ng Ingles from the very start ng blog ko. Panahon na rin naman siguro ng pagbabago.

The Bumpy Ride
            Nung nakaraang Sabado ng hapon, pumunta ako sa Libmanan para lumanghap ng sariwang hangin at para na rin lumayo sa mga nagpapabigat sa akin. Ang byahe papunta dun ay usual lang. Walang kung anu mang nangyari na tumatak sa isip ko. Ngunit nung pauwi na ako ng sumunod na umaga, dun na ako nakarealize ng mga bagay-bagay na hindi ko naman talaga naiisip.

            Nagsimula ang lahat ng tinanong ko ang sarili ko “Bakit ba tuluyan kong binabaon ang sarili ko pailalim?” Sa totoo lang, ang hindi alam ng mga tao (pamilya at kaibigan ko), napakahina ko ngayon. Sinusubukan ko maging matatag para sa kanila. Sinusubukan kong ngumiti para na rin hindi na makadagdag pa sa problema. Ako rin ang nagmomotivate at parating positibo sa lahat ng bagay. Pero pag mag-isa na lang ako, nawawala lahat ng lakas at pagkapositibo ko. Sino nga naman ang kailangan ko pang i-motivate pag magisa na lang ako? Nakakapagod na rin naman. Since si Manoy Jess na rin lang naman ang kasama ko pag mag-isa ako, hindi ko na kailangan umarte na malakas ako at walang problema. Hindi ko na kailangan maging pillar ng pamilya at maging isang barkadang “happy-go-lucky”. Hindi ko na rin naman kailangan pang magkunwari kung Siya lang ang kasama ko.

           
Bakit ko nasabing binabaon ko ang sarili ko? Kasi instead na mabawasan ang mga problema ko, nadadagdagan. Siguro kasi tinatawanan ko na lang ang lahat at wala naman talaga akong ginagawa para masolusyunan lahat ng mga problema. Sa tuwing sinusubukan kong humakbang ng isang step, hinihila ko parati ang sarili ko ng dalawang hakbang pabalik. Nakakapagod. Pero ako rin naman ang may kasalanan ng lahat at kung bakit ako nagkakaganito. Panu ko sisimulan ang pagbabago? Panu ko gagapang paabante kung sa tuwing nariyan ang pamilya ko ay pilit akong tumatayo para lang hindi sila mawalan ng pag-asa. Ang dami kong iniisip. Siguro kasi pauwi nanaman ako sa Naga. Kailangan nanaman harapin ang mga problema at umarteng malakas sa harap nila. Siguro kasi paalis na ako sa safe-haven ko. Yun tipong wala akong iniisip kundi ang gumising kinabukasan para lumanghap ng sariwang hangin. Pabalik na ako sa totoong mundo ko.

            On the way, bigla na lang naging bumpy ang byahe. Literal na tumatalon ang tren at and mga taong nakasakay dito. Kahit napaka-awkward, nagenjoy ako. Bumalik ako sa pagkabata nung mga panahon na kahit kalong ako ng papa ko sa jeep at umuuga yung jeep ay nageenjoy ako. Ang saya, parang nawala ang mga negatibong bagay na naiisip ko. Habang tumatalon yun tren ay tumingin ako sa mga taong kaharap at katabi ko. Hindi lang pala ako yung nageenjoy. Sila rin pala. At sa mga oras na yun, naisip ko. Bakit kahit napaka-awkward tumalon ay nageenjoy ang lahat? Bakit kahit nahihirapan silang kumapit sa mga upuan nila ay parang ang saya pa rin nila? Naisip ko, parang buhay rin nga lang. Along the way, ang daming bumpy at rough road na dadaanan. Kahit hindi smooth ay masaya pa rin yun buhay. Yun tipong nakakachallenge kung panu ka kakapit sa silya mo at kung panu ka sasabay sa pag-uga sa buong byahe ng buhay. Hindi naman kasi talaga patag parati ang dadaanan. And daming mga small bumps, rough road at kung anu-ano pang dadaanan na mapapakapit ka sa iyong upuan.

            Pagkatapos ko yun maisip, tinanong ko ang sarili ko. “Bakit nga ba hindi ko ienjoy ang sariling byahe ng buhay ko?” Bat ba kailangan kong maging malakas parati? Bat ba kailangan kong magkunwari? Kung maiinis ba ako sa pag-uga sa biyahe na to, anu ba mapapala ko? Bat kailangan kong pilitin ang sarili ko na huwag tumalon kasabay ng tren kung kaya ko naman itong sabayan? Hindi naman talaga kasi kailangan. Pinahihirapan ko lang ang sarili ko. Pagkatapos ng lahat saka ko lang naisip na tama na. Hindi ko kailangan ang mga iyon. Sapat na. Sasabay na lang ako sa bawat pag-uga ng tren at magiging masaya sa bawat pagtalon sa buong byahe. Kasi kahit bumpy man and ride, makararating pa rin naman ako sa pupuntahan ko.