Labinganim- yan na ang edad ko at yan na rin ang bilang ng mga taon na nandito ako sa bahay ampunan na ito. Minsan, napapagalitan. Minsan naman, pinupuri. Pareho lang naman bawat araw. Pare-pareho lang pati na rin ang pagdating ng mga bisita.
May mga bisita nanaman. “Good morning our dear visitors! It’s nice to see you today.” Walang hiya naman oh! Mas gusto ko pa na pare-pareho na lang araw-araw. At pare-pareho rin lang ang sinasabi pag may dumadating na bisita. Hindi ba pwedeng “Yow! Musta na?” o kaya naman ay “How do you do?” Hindi yun puro na lang ganon. Nakakapagod na rin naman kasi. Parang wala nang nagbago.
Ngingiti ang mga bisita.na parang ang saya-saya nila. Pero ang totoo ay napipilitan sila dahil ito as isang rekwayrment o kaya naman ay para makapagpabango ng pangalan. Mga ngiti. Ngiting landakang ipinapakita nila.
Iniabot sa akin ang isang piraso ng tinapay at isang baso ng juice. Masarap ng naman. Isa nanaman lang araw ng parang “try me” promo sa isang bakery sa kanto. Nakakabusog nga naman. Pero hanggang kelan to? Bukas? Mamayang gabi? Pakatapos ng dalawang oras? Saglit na pantawid gutom. Saglit na patikim ng kasarapan na bukas ay maaaring wala na. Bukas may maipatitikim pa kaya sila sa akin?
Pinapatayo kami at maglalaro daw. Bagay pa ba ang mga ganitong bagay sa akin? Susmaryosep naman! Dise
Sasayaw. Bwisit! Mawawala na yata ang aking dignidad.
“Goodbye our dear visitors! Hope to see you again next time!” Isa nanaman memoryadong linya. Isang linyang nagpapahiwatig ng pagpapaalam. Tapos na sila sa kanilang mga obligasyon at tapos na rin kami sa aming mga pagpapanggap. Paalam. Pagwawakas. Lahit ng pagwawakas ay sinasabing may bagong simula. Ano ang aking bagong simula? Meron nga ba ako nito? Isa ng bang pagbabaho ang mangyayari? Isang bagong simula? O isa nanamang walang lamang pangako ng magandang kinabukasan? Mas okay pa na bumalik na lang sa dati ang lahat. Mas nararapat na din a lang sila dumating.
I always wondered how a kid in an orphanage feels meeting different people who would visit them off on a mission. This is not really a criticism but merely an outlook of how I might feel if I am in their shoes. It’s not being ungrateful. On the contrary it’s being hopeful and at the same time being happy though the construction of the feelings may be obscure.
No comments:
Post a Comment